Monday, August 17, 2009

MALILIGTAS NGA BA ANG IGLESIA NI CRISTO (INC) 1914?

AYON sa Iglesia ni Cristo (INC): Ang pagbangon at pagkakaroon ng INC sa Pilipinas noong 1914 ay bunga ng pangangaral ni Mr. Felix Y. Manalo, (Ka Felix). (PASUGO GOD’S MESSAGE, The Magazine of the Iglesia ni Cristo, July 2005 pp. 21, 30, 35). YSAGUN ang apelyido (surname) ng kaniyang ama (Mariano Ysagun), at Manalo naman sa ina, (Bonifacia Manalo). Personal ang dahilan kung bakit “Manalo” ang dinalang apelyido ni Ka Felix, sa halip na YSAGUN na siyang sa kaniyang ama. July 27, 1914 ng marehistro sa gobierno ng Pilipinas ang INC. Ayon sa INC, katuparan ito ng panahong inihula sa paglitaw ng INC sa Pilipinas – sa panahon nang “First World War” (WWI) (Pasugo, July 2005 pp. 18-19, 37; Pasugo, August 2005 pp. 14-15.)

Hindi man nakatapos ng pag-aaral, ay isinugo naman ng Dios sa mga huling araw si Ka Felix. Mga sugo ng Panginoong Dios ang tanging pinagkalooban na makaalam ng hiwaga ng evangelio at sila ang binigyan ng karapatan na mangaral ng mga salita ng Dios. (Iniliwat sa Filipino. Pasugo, November 2005 p. 28.)

The Lord God “purposely chose” (sic), the unlearned, the weak, and those whom “the world looks down on, and despises, and thinks [are] nothing,” (sic), so that no one can boast in God’s presence”. (Pasugo, November 2005 p. 28.)

May mga hula ang propeta Isaias ukol dito at sa kaniyang pangangaral at maging sa pagbangon ng INC sa Pilipinas noong 1914. (Pasugo, July 2005 pp. 16-20.)

Bago ipinangaral ni Ka Felix ang ukol sa INC, ay nanggaling siya sa iba’t-ibang relihiyon o mga sekta ng pananampalataya. Hindi bababa sa limang (5) samahan ang naaniban ni Ka Felix, gaya halimbawa ng “Iglesia Metodista Episcopal” at Seventh Day Adventist Church o “Sabadista”. Naging tagapagturo sa mga ito si Ka Felix, pero sa pagdaan ng mga panahon ay napagtanto niya ang kanilang mga maling aral na hindi naaayon sa Biblia.

Kaya nagpatuloy sa kaniyang pagsasaliksik ng katotohanan sa Biblia si Ka Felix. Tatlong araw at tatlong gabi na hindi siya kumain at natulog, nagkulong sa isang silid sa kaniyang maalab at taimtim na pagsasaliksik at pagkatapos ng kaniyang mga pagpupuyat at hindi pagkain ng ilang araw, ay nasumpungan niya ang katotohanan at natiyak niya na ang tunay na Iglesia ay ang INC.

Sa pakiwari niya ay tinawag siya mismo ng Dios. Dahil dito ay humayo siya kasama ng kabiyak sa gawaing pangangaral ng ukol sa INC at sa Punta, Sta. Ana, Manila, ay nakahikayat at nagbautismo ng mga unang bunga o kaanib sa INC. Kasunod nito ang mabilis na paglago ng kapatirang INC sa buong Pilipinas at paglaganap at pagkakaroon ng mga lokal sa iba’t ibang mga bansa sa sanglibutan. (Pasugo, July 2005 p. 21.)

Halos hindi na mabilang ang mga malalaki at magagandang mga bahay-sambahan ng INC, (Pasugo July 2005 p. 39). Kahit sa mga liblib na dako ay mayroong mga konkretong kapilya na pinagkakatipunan ng mga kapatid. Maging sa ibayong dagat ay may mga bahay-sambahan (houses of worship), ang INC na milyong dolyares ang ginugol ng Pamamahala. (Pasugo, July 2005 pp. 21, 39).

May Templo Central na libu-libo ang makadadalo at dumadalo sa laki nito. May Tabernakulo (Tabernacle) na libo rin ang bilang ng maaaring magkatipon dito. (Pasugo July 2005, pp. 30, 33, 35). Nauna na sa mga ito ang Central Office Complex ng INC, may ospital, may pabahay sa mga ministro (parsonages), Pasugo July 2005 p. 39, at mga kawani ng INC. May unibersidad, may “College of Law” at “College of Evangelical Ministry” (CEM), na ang “main campus” ay nasa Bgy. New Era, Quezon City, Philippines. (Pasugo Nov. 2004 p. 8).

Napakarami na ng nga mga ministro sa INC. Pasugo July 2005 p. 39. Bago pa man kasi ang CEM, ay marami na ring nag-aral at nagtapos ng pagka-ministro sa Ministerial Institute of Development na nang lumaon ay naging Institute of Evangelical Ministry, na ngayon ay CEM na. Pasugo November 2004 p. 6.

Hindi bababa sa dalawang (2) beses sa isang linggo ang pagkakatipon/pagsamba ng kapatiran sa INC. (Pasugo, June 2006 p.4). Maging ang mga kabataan sa Iglesia ay may bukod na pagsamba. May kaayusan at “solemne” ang pagsamba at pagkakatipon. Maayos ang pananamit ng mga dumadalo sa pagsamba. Maging sa pagpasok, pag-upo sa loob ng sambahan ay hiwalay ang mga lalake sa mga babae at maging sa paglabas ay hayag na hayag ang disiplina ng mga kapatid. (Pasugo July 2005 p. 37). May pag-aabuloy na ginagawa ang mga kapatid sa pagkakatipon (Pasugo October 2005 p. 13), maging sa pagsamba ng mga kabataan ay mayroon nito (abuluyan).

May taunang pasalamat na may lakip na HAING HANDOG na pasalamat bawat buwan ng Disyembre ang INC. Maging ang mga kabataan ay may bukod na pasalamat. Tuwing buwan ng Mayo at Hulyo taun-taon ay may tanging pagkakatipon/pasasalamat, dahil sa kaarawan ni Ka Felix at dahil aniversario (Pasugo July 2005 p. 30), ng pagbangon sa Pilipinas ng INC. May abuluyan at tanging paghahandog din sa mga ito na ginagawa ang Iglesia.

Mayroong gawaing pagtulong sa mga mahihirap at sa mga biktima ng mga kalamidad ang Iglesia. Milyon na ang natulungan ng programa ng INC na Lingap sa Mamamayan. (Pasugo July 2005 p. 39). May dala itong libreng gamot, relief goods at nagsasagawa ng walang bayad na medical at dental services. Pasugo July 2005 p. 39; March 2005 p. 8. Hanggang sa ibayong dagat ay may mga katulad na gawain ang INC. Pagkain, tubig, damit at iba pa ay dalang tulong ng kapatiran sa mga nasalanta ng “Hurricane Katrina” sa America. (Pasugo October 2005 pp. 35-36).

Si Cristo at ang Kaniyang Iglesia, bagama’t dalawa – ay isa lamang – isang taong bago. Si Cristo ang ulo, at ang Iglesia ang katawan Niya. Si Cristo ang Tagapagligtas ng Iglesia na katawan Niya. Pasugo March 2004 p. 11. (Iniliwat sa Filipino). Upang magtamo ng kaligtasan, ang tao ay dapat munang sumampalataya at magpabautismo sa Iglesiang kay Cristo. Pasugo April 2005 p. 17; Pasugo, October 2005 p. 34. (Iniliwat sa Filipino).

Saan naging sangkap o kaanib ang mga tumanggap ng tunay na bautismo para maligtas? Sila ay naging sangkap ng isang katawan. (I Cor. 12:13 NPV) Ang tinutukoy na katawan ay ang Iglesiang pinangunguluhan ni Cristo. (Efe. 1:22-23, Col. 1:18). Ang pangalan ng Iglesiang katawan ni Cristo ay Iglesia ni Cristo. (Roma 16:16).” Pasugo October 2005 pp. 22-23. N.B. Kaya ‘nong buhay pa si Ka Felix ay siya mismo ang nagbabautismo para maanib sa INC ang mga tao. Pasugo February 2005 p. 35.

Mula nang ipangaral ni Ka Felix ang evangelio, ang INC, noon at ngayon ay patuloy sa maalab na pagpapalaganap nito. Hindi lamang sa mukhaang pangangaral, ng maraming mga ministro, kundi maging sa pamamagitan ng “print, radio and television” ay ibinabahagi ang pananampalataya “worldwide” ng INC. Ang layon nito ay upang iligtas at agawin sa apoy ang mga tao. Ang nakapakinig, sumampalataya sa evangelio at nabautismuhan ay maliligtas. (Pasugo, March 2004 p. 10).

Dahil dito, ay sinikap ng Pamamahala ng INC na magkaroon ng sariling “TV station”. Bago pa lang ang “NET 25 Television” ng INC, ay nakilala na agad ito ng maraming mga tao. (Ang “coverage” nito sa ilang araw na malaking “rally“ ng mga taong sumusuporta sa napatalsik na Pangulo ng Pilipinas, na tinagurian ng iba na “EDSA III”, ay isa sa mga dahilan ng pagkatanyag ng NET 25, Atty. RV). Kung dati ay “blocktimer” lang ang INC (Pasugo, Feb. 2005, p.2), ngayon ay may sarili na ito na TV station na gamit sa pangangaral. Dagdag pa rito ang maraming “Radio Stations” ng INC sa buong Pilipinas na pangangaral din ang punong dahilan kung bakit ipinundar ng Pamamahala. Nariyan pa rin at nagpapatuloy ang pinasimulan ni Ka Felix na “PASUGO, God’s Message, The Magazine of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ)”. Dito at sa ibang bansa ay gamit ng INC ang “MASS MEDIA” upang ibahagi sa mga tao ang mabuting balita ng kaligtasan. (Pasugo, February 2005 pp. 2-3, 9).

Hayag na hayag at patuloy ang parada ng tagumpay (triumphal procession) ng INC. Pasugo, July 2005 p. 39. Katibayan ito ng pagtulong at pag-alalay ng Dios sa Kaniyang sugo sa huling araw at sa Iglesia. Pasugo July 2005 p. 37.

Sustained and accelerated growth and astounding successes – these have punctuated the history of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ) in the last four scores and eleven years, even in the eyes of nonmembers.” Pasugo, July 2005 p. 36.

…It is the brethren’s firm belief that it is God who has always been at the forefront of the Church since it was first started by His messenger and who has been guiding it from its humble beginnings up to its present glorious stature, under its present Executive Minister, Brother Eraño G. Manalo.” Pasugo, July 2005 pp. 30, 33.

Today, this Church has congregations in 85 countries and territories around the world, including Rome, Italy; Athens, Greece; and Jerusalem, Israel, where the Church was originally established in the first century.” Pasugo July 2005 p. 20.

But, the present glory and successes of the Church, though important, are not ends in themselves - salvation and eternal life are. This is why God capped His promises with the most important success and glory of all, SALVATION.” Pasugo July 2005 p. 40.

…that salvation is found only inside the Church of Christ,…” Pasugo February 2005 p. 25.

Thus, those who have come into the fold or have become members of the Church of Christ have found the place chosen by God and our Lord Jesus Christ where man can validly and acceptably serve Them.

…They are in the place where God wants to be worshipped and served and are certain to receive His promised salvation.” Pasugo February 2005 p. 31. N.B. May mga iniliwat sa Filipino na mga salitang mula sa “English articles” sa Pasugo, na hindi nilagyan ng kaukulang “notacion”.


TANONG
Maliligtas nga ba ang IGLESIA NI CRISTO (INC), 1914 sa araw ng paghuhukom?

SAGOT
 Pagkatapos isaalang-alang ng may akda at maingat na timbangin ang mga sinasabing “evidencia” ng INC, vis-à-vis sa mga katotohanan na nasusulat sa mga Banal na Kasulatan (Biblia), ay napakalinaw, na HINDI maliligtas ang Iglesia ni Cristo (INC), 1914, sa araw ng paghuhukom.


I

Ayon sa mga nailahad na sa unahan, kasama ang mga talata sa Biblia na kaniyang mga saligan, ay maliwanag na umaasa ang INC sa kaligtasan. Buo ang tiwala at pananalig nito na tiyak na ililigtas ng Tagapagligtas na si Cristo, na tao sa kalagayan, ang INC, 1914, sa araw ng paghuhukom. Handang ilaban ng DEBATE ng mga ministro sa INC ang paniniwalang ito. At handa na rin ang maraming salin (version) ng Biblia at mga “referencia” upang patunayan ang kanilang (mga ministro) pananalig na ukol sa kaligtasan. Ayaw at “hindi lalaban sa debate” ang mga ministro ng INC, kung halimbawa ay tatlong (3) salin o “version” lamang ng Biblia ang gagamitin sa “discusion”. Hindi po paninira sa INC ‘yan, ‘pagkat ‘yan ang katotohanan. Kahit usisain ng mga bumabasa kay INC Minister Satur “Turne” Francisco, maliban na kung nag-iba na rin ng “patakaran” ang INC. Ang ibig ng mga ministro noon ay walang takda, kung ilan ang mga salin ng Biblia na gagamitin sa panahon ng debate. Kung ganito ay “handa” ang INC na makipag-debate. Dagdag pa rito ang kahandaan ng mga kaanib na dumalo upang magbigay ng “suporta” (moral and acoustic support) sa mga ministro sa mga oras ng “discusion”. Kasi nga ay napaniwala o naniniwala ang mga kaanib sa Iglesia, hindi lamang sa tiyak na kaligtasan ng INC, kundi maging sa pagiging “angat” nito sa larangan ng debate. Sana naman ay lumaban na ang INC ng “parehas” sa debate – halimbawa, ay tatlong (3) salin lang ng Biblia ang gagamitin sa “discusion”.


BAKIT TIYAK NA HINDI MALILIGTAS ANG IGLESIA NI CRISTO (INC), 1914, SA ARAW NG PAGHUHUKOM?

Hindi dapat ikagalit ng sinumang kaanib sa INC ang pahayag na ito. HINDI talaga maliligtas ang INC sa araw ng paghuhukom! Kung magalit ang INC at sabihing bakit ito “hinatulan” ng ganito – ay dapat lang alalahanin ng INC, na NAUNA na siyang humatol sa mga taong hindi INC: “Those who are apart from Christ or are outside His church, because they are not recognized by God as His chosen people,…

…are without God and without hope for salvation.” Pasugo July 2005 p. 15.

Ano ang hatol ng INC sa mga taong nasa labas o hindi mga kaanib sa INC? Ayon sa Pasugo, wala raw Dios at WALANG PAG-ASA sa kaligtasan. Entonces, wala kahit gabuhok na dahilan, para magalit ang INC, kung hatulan din, na WALA itong kaligtasan. Maliwanag naman sa Biblia ang nakasulat:

Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.” Mateo 7:1-2.

Ang isa pang katuwiran, kung bakit hindi dapat “magngalit” ang INC sa hatol na hindi ito maliligtas ay – ayon sa Pasugo na lathalain (magazine) ng INC, masunurin raw sa batas (law-abiding) ang mga kapatiran sa Iglesia. (Pasugo July 2005 p. 37) Kung gayon, ano ba ang nasa batas (law) na sumasaklaw sa magkasalungat na pananalig at paniniwala ukol sa kaligtasan, ng INC at ng may akda? (Bukod sa inyong lingkod, Atty. RV, ay milyon pang bilang ng mga tao, ang HINDI naniniwala na maliligtas nga ang INC). Ayon sa batas, “The individual is free to believe (or disbelieve) as he pleases concerning the hereafter. …cherish any religious conviction as he and he alone sees fit. However absurd his beliefs may be to others, even if… hostile and heretical to the majority, he has FULL FREEDOM to believe as he pleases. He may not be required to prove his beliefs.” (Emphasis supplied) Constitutional Law Justice Isagani A. Cruz 1989 Edition p. 171.

Maliwanag ang mga nasusulat sa batas. May kalayaan (full freedom), ang bawat tao na maniwala at HINDI maniwala ukol sa mangyayari sa haharapin (hereafter). Halimbawa nito ang tungkol sa “kaligtasan” sa araw ng paghuhukom, na magaganap pa lang sa hinaharap na panahon. Pantay sa mata ng batas ang kalayaan ng INC na maniwalang maliligtas ito – sa karapatan ng ibang tao na HUWAG maniwala dito. Sabi pa sa batas:

The government is neutral, and while protecting all, it prefers none, and it disparages none. “All” here applies both to the believer and the non-believer. Freedom of religion includes freedom FROM religion;…” (Emphasis supplied) Constitutional Law Justice Isagani A. Cruz, 1989 Edition p. 165.


1. Hindi maliligtas ang INC, 1914, sa araw ng paghuhukom sapagkat – Ayon sa Panginoong Jesus, ay mga BULAAN ang babangon kapanahon ng mga digmaan. Mateo 24:6-7, 11

Katuparan daw ng mga hula ang pagkarehistro ng INC sa gobierno ng Pilipinas noong July 27, 1914. Kasabay raw ito ng (mga) digmaan gaya ng nasulat sa Mateo 24:6-7. Una at ika-2 digmaang pandaigdig raw ang mga tinutukoy sa mga talata, (6,7). Kaya ng maparehistro ang INC noong July 27, 1914, kasabay ng unang digmaang pandaigdig (WWI), ay katuparan daw ito ng panahon ng pagtawag sa kawan o pagsipot ng INC sa Pilipinas. (Pasugo August 2005 p. 15; Pasugo June 2006 p. 13)

Alamin at pansinin ng bumabasa, na hindi lamang mga digmaan ang nasasaad sa Mateo 24:6-7. Mayroon ding tungkol sa pagtindig ng bansa laban sa bansa, kagutom at lindol. At sa mga kasunod na talata (verses 8-12), ay may tinukoy na kahirapan, kapighatian, pagpatay, pagkatisod, pagkakanulo, kapootan, pagbangon ng mga bulaang propeta, katampalasanan, at iba pa. Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Ayon sa Panginoong Jesus, mga TANDA (signs) ito, na MAGAGANAP bago ang Kaniyang muling pagparito at bago mangyari ang katapusan ng sanglibutan. Mateo 24:3-5, 6-7, 8-12.

Pakibasang muli ang MARAMING mga tanda na ibinigay ng Panginoon, at pansinin na DIGMAAN ang binigyan ng diin at kapamigatan ng INC. Hindi na halos mabanggit (ng INC) ang mga kapanabay na maraming mga TANDA na sinabi ng Panginoon. Bakit? Sapagkat sa (unang) digmaan (WWI), iniuugnay at itinatali ng INC ang pagsipot nito sa Pilipinas noong taong 1914. At para sunod na sunod sa gusto ng INC, ay idinaragdag lang nito ang paliwanag – na may ika-2 digmaan (WWII), din, na tinutukoy sa Mateo 24:6-7, ngunit ang pagdidiin nga ng mga ministro ng INC ay sa unang digmaan (WWI), sapagkat kung hindi ay walang sumipot (emerge) na INC noong July 27, 1914 sa Pilipinas. (EMERGE: v. to appear; sumipot, Webster’s Dictionary in 3 Languages p. 65 2003 Edition)

Para sa INC, ang unang digmaang pandaigdig (WWI), ay nangangahulugan na dumating na, ang “ends of the earth” or “the very doors” or “it is near” – na ito raw ay panahong malapit na ang ikalawang pagparito ni Cristo at panahong malapit na ang paghuhukom. Ang batayan ng INC sa kaniyang aral na “ends of the earth” / “the very doors”/ “it is near” ay ang Mateo 24:33. Ganito ang nasa Pasugo: “The period immediately preceding this great event (Second Advent of Christ or Judgment Day) was designated by Christ as “the very doors”, or indicating that “it is near” or “it is already the ends of the earth (Matt. 24:33). Among the signs He gave that it is already the ends of the earth is a great war…” (Pasugo August 2005 p. 15)

Sapagkat “tanggap na tanggap” ng INC na ang digmaan (Mateo 24:6-7) at “ends of the earth” (Matt. 24:33) supra, (bagaman may 25 mga talata na nakapagitan), ay tumutukoy sa isang panahon, lalong dapat tanggapin ng INC na “kapanahon” ng digmaan ang nasa talatang Mateo 24:11 (may 3 talata lang ang nakapagitan), na ukol sa pagbangon ng mga bulaang propeta. Ganito ang nasa talatang 11: “At magsisibangon ang maraming bulaang propeta at kanilang ililigaw ang marami.

Ito ay isa rin sa mga tanda (signs) bago dumating ang ika-2 pagparito ni Cristo, bukod pa sa mga tanda na digmaan, kagutom, lindol, kahirapan, kapighatian at iba pa. Mateo 24:6-7, 8-12.

Kung gayon batay sa paraan o estilo ng pagpapaliwanag ng INC sa Mateo 24:6-7 at 33, maliwanag na ang INC ay isa sa katuparan ng sinabi ng Panginoong Jesus na “…magsisibangon ang maraming bulaang propeta…” sa Mateo 24:11. Sa ganang INC kasi, magkaugnay at magkapanahon ang Mateo 24:6-7 at 33 – digmaan at “the very doors / it is near / ends of the earth”. Kaya walang dahilan para di niya tanggapin na lalong magkaugnay at magkapanahon ang Mateo 24:6-7 at 11 – digmaan at pagbangon ng mga bulaan. (N.B.) Ang aral ng INC tungkol sa “mga wakas ng lupa” (ends of the earth) ay isa sa mga aral ng mga bulaan. Basahin sa ibaba kung bakit.)

Ayon pa rin sa talatang 11(b), “marami” ang ililigaw ng mga bulaan. Ayon naman sa Pasugo ng INC, marami itong mga ministro at maraming mga naakit at nagpabautismo (tens of thousands) na mga umanib sa INC. Pasugo July 2005 p. 39.

Tunay na mabisa at subok ang mga salita ng Panginoong Jesus! Sinalita Niya noon, na magkakadigmaan at babangon ang mga bulaang propeta – EXACTO! Sumipot ang INC sa Pilipinas noong July 27, 1914 at ipinangaral na ang kaniyang paglitaw kasabay ng digmaan, (concurrent with the outbreak of World War I, at the time prophesied…Pasugo July 2005 p. 37), noong taong 1914 ay naaayon sa panahon ng “profecia” o hula. Sinabi rin ng Panginoon na “marami” ang ililigaw ng mga bulaan – PRESTO! Ibinabandila ng INC na laksa-laksa (tens of thousands – Pasugo, supra p. 39), kung ito’y magbautismo ng mga nahikayat.

Hindi dapat ipagtaka ng sinoman kung lalo pang dumami sa bilang ang mga kaanib sa INC. Bakit? Upang hindi naman maging bale-wala ang PAMAMAHALA sa Iglesia, na tanging nakalaan sa may dugong MANALO, e.g. Felix, Eraño, Eduardo, etc. Dagdag pa rito ang mga katulong ng PAMAMAHALA gaya ng CEM at mga ministrong nagtapos dito, Pasugo Magazine, mga “radio stations”, at NET 25/GEM TV, ng INC.

Kung sa “galing” ng pamamahala ng INC ay maging gaya ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga kaanib, ay “masasapatan” na ang bilang na gagamitin ni satanas sa kaniyang “huling” pakikibaka laban sa MGA BANAL. (Apocalipsis 20:7-10) 


2. Walang kaligtasan ang INC, 1914, sapagkat - nagdagdag ito sa mga salita ng hula at nag-alis sa mga salita ng aklat. Isinisinsay ng INC, 1914, ang mga Kasulatan. Apocalipsis 22:18-19; II Pedro 3:16

Tunghayan ang mga talata (verses) mula sa mga Banal na Kasulatan (Ang Biblia), na ipinaliliwanag ng INC, 1914, na may dagdag-bawas at kung paano nito isinisinsay ang mga nasusulat sa Kasulatan. Dagdag na mga salot (plagues), kawalan ng bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal at kapahamakan ang bunga ng ganitong mga gawain. (Apoc. 22:18-19 II Ped. 3:16) Sa simpleng mga pananalita, WALANG kaligtasan ang nagdagdag-bawas at nagsinsay sa mga Kasulatan, gaya ng INC.

“Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita akin namang papangyayarihin; aking pinanukala, akin namang gagawin”. Isaias 46:11

Ayon sa pangangaral ng INC, hula raw ang nasabing talata sa pagtawag ng Dios sa Kaniyang sugo mula sa “Malayong Silangan”. Si Ka Felix Y. Manalo daw ang kinatuparan ng hula na “ibong mangdadagit”. Ang dahilan daw ng pagtawag ng Panginoon sa Ka Felix ng INC, ay upang magsagawa ng payo ng Dios o mangaral ng Kaniyang mga Salita. PILIPINAS raw naman ang katuparan ng bansa sa “Malayong Silangan” (Far East), na pinagmulan ng sugo o tagapangaral ng katuwiran o mga salita. (Pasugo July 2005 pp. 21, 37)

Kung ang mga “nasusulat” sa Biblia ang pagbabatayan, ay MALING-MALI ang mga pagtuturo ng INC, 1914, supra. Bakit? Hindi pa man kasi nasipot sa Pilipinas ang INC noong taong 1914, ay matagal nang NAKASULAT sa mga Banal na Kasulatan ang kahulugan ng Isaias 46:11. Lamang ay NALIHIM ito sa INC! Ibang-iba sa interpretasyon ng Biblia ang mga pagsisinsay ng INC sa talatang nabanggit.

PANSININ – na WALA pong “Malayong Silangan” sa Isaias 46:11. Maging sa talatang sinipi at ginamit sa Pasugo na katulad (same) na talata, ang nakasulat ay “SILANGANAN” at “MALAYONG LUPAIN”. (Pasugo July 2005 p. 21) INALIS o binawas ng INC ang salitang “LUPAIN”, at pagkaalis nito ay pinagsama ang mga salitang “malayong” at “silangan” (sic). Kaya nga, bunga nito, ay nagkaroon ang INC ng “Malayong Silangan” na mula sa mga pinagsamang (combined), “malayong” at “silanganan”. Hindi ba maliwanag na “bawas-dagdag” ang ginawa ng INC? Ang “malayong lupain” na “lenguaje” ng Biblia (Isaias 46:11; Jeremias 6:20), ay dapat, Biblia rin ang magpaliwanag! Pero nilikot ito (malayong lupain) at pinalitan ng INC ng “malayong silangan”. HINDI kasi Pilipinas ang “silanganan/malayong lupain”, kung sa Biblia hahanguin ang paliwanag sa sinabi ni Propeta Isaias. Sa II Hari 20:14 at Isaias 39:3 ay malinaw ang nasusulat: “Nang magkagayo’y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, anong sinabi ng mga lalaking ito? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila’y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain, sa Babilonia”.

Ayon sa mga talata, BABILONIA, at HINDI Pilipinas ang silanganan/malayong lupain, na dito tatawagin ang ibong mangdadagit. Kaya, tiyak na tiyak, na HINDI rin si Ka Felix ang “mangdadagit” sa Isaias 46:11. At hindi rin ito tungkol sa “pangangaral” ni Felix M, na gaya ng turo ng INC. Sino, kung gayon ang kinatuparan ng ibong mangdadagit na mula sa silanganan o Babilonia? Ano ang payo ng Dios na kaniyang isasagawa ayon din sa Biblia?

Si Nabucodonosor na hari noon sa Babilonia. Ano ang katunayan mula sa Biblia rin, na si Nabucodonosor nga ang ibong mangdadagit? Nasa talinhaga na nasulat sa aklat ng propeta na ganito ang sinasabi:

“Bukod dito’y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.”

“Anak ng tao, magbugtong ka at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel; At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:” Ezekiel 17:11-12, 2-3

Ayon sa talinhaga, ang hari sa Babilonia na dumating sa Jerusalem at kinuha ang hari niyaon at mga prinsipe na mga dinala sa Babilonia, ay itinulad sa isang malaking aguila. Ayon pa rin sa mga Kasulatan, ay si Nabucodonosor ang hari na ito sa Babilonia at si haring Joachin naman ang hari sa Jerusalem na kaniyang kinuha, pati mga prinsipe na pawang mga dinala sa kaharian ng Babilonia, (II Hari 24:11-15).

Malinaw na dahil sa aguila (read: ibong mangdadagit) itinulad si haring Nabucodonosor at siya ay mula sa Babilonia o malayong lupain (Isaias 39:3; 46:11) ay walang duda na siya nga ang “ibong mangdadagit” na sinabi ng propeta sa Isaias 46:11. Kung hindi sa aguila inihambing ang haring Nabucodonosor – halimbawa ay sa “pavo”, ay mahirap tanggapin na siya ang ibong mangdadagit. Bagaman ang pavo, ay mayroon ding mahahaba at sari-saring kulay na buntot, pakpak, balahibo, at kahit pa ito ay itinuturing na isang uri ng ibon sa Asia, ay walang maniniwala na ito ay isang ibong mangdadagit.

Sa kabuoan, ang payo ng Dios ayon sa mga Kasulatan, na isasagawa ng Kaniyang “lingkod” na si Nabucodonosor (Jer. 43:10), ay pagharian ang lahat ng mga bansa, at mga kaharian sa lupa (Dan. 4:1), kabilang ang Israel, na noon ay isang kaharian - upang paglingkuran siya (Nabucodonosor) sa isang yugto ng panahon, (Jer. 27:6-7). Parurusahan ng Panginoon ang bansa, kaharian at hari na hindi pasasakop at yuyukod sa pamatok ng hari ng Babilonia. (Jer. 27:8, 11-13).

Malinaw, na HINDI talaga si Ka Felix ng INC ang ibong mangdadagit na sinalita ng propeta sa Isa. 46:11, kundi ito ay ang AGUILA sa talinhaga, samakatuwid ay si NABUCODONOSOR na hari sa Babilonia. Sa simpleng paliwanag na salig sa Biblia: Ibong mangdadagit = aguila sa talinhaga, si Nabucodonosor; Silanganan/malayong lupain = Babilonia (Isaiah 46:11; 39:3; Ezekiel 17:11-12, 2-3; II Kings 20:14; 24:11-15) N.B. Abangan ang pagkopya ni “Bro. E”, sa mga paliwanag ni Atty. RV at “palabas” ni Bro. na tila baga siya pa ang “orihinal” na nagturo ng mga ito. Wala pong pahintulot ‘yan.

Pagkatapos lupigin at supilin ni haring Nabucodonosor ang panghihimagsik (rebellion), ni Sedecias na ipinalit niya (II Hari 24:17-20), kay haring Joachin, ay naging ganap na ang pagkawasak ng Jerusalem at pagkadalang-bihag ng bayan, sa kaharian ng Babilonia, (II Hari 25:1-21; Ezra 5:11-12). Pagkatapos ng pitong pung (70) taon, na pagkadalang-bihag ng “Jerusalem, Israel”, sa Babilonia, ayon sa salita ng Dios, ay babalik rin sa “dakong ito”, (Jerusalem, Juda, Israel), ang bayan ng Dios, (Jer. 29:1, 4-10).

Pawang mga salita ng Dios na NASUSULAT sa mga Banal na Kasulatan o BIBLA, ang gamit na batayan sa interpretasyon ng mga sinalita ng propeta, na inilahad ng may akda. Ngunit ang INC, pawang “boca” at mga “referencia” ang ginamit upang palitawin at paliparin na si Ka Felix ang ibong mangdadagit at Pilipinas daw ang tinutukoy sa Isaias 46:11.

OBITER DICTUM (OD): Ang pangalang “FELIX” ay matagal nang nakasulat sa talata ng Biblia. Hindi pa sumisipot sa Pilipinas ang INC noong 1914, ay may “FELIX” na sa mga Kasulatan. Ang FELIX na ito ay madalas ipatawag si Apostol Pablo ‘pagka’t inaasahan niya na bibigyan siya ni Pablo ng salapi. (Gawa 24:22-27) Kapalit ng salapi, ay handa si Felix na palayain si Pablo – ngunit dahil hindi siya nabigyan gaya ng inaasahan, ay pinabayaan niya si Pablo sa bilangguan. (Acts 24:26-27 KJV)

Sa kabila ng katotohanan na may nakasulat na pangalang FELIX sa kasulatan, ay “tahimik” ang INC tungkol dito. Kaya sa pagpapaliwanag ng mga ministro nito, tungkol sa ibong mangdadagit raw na si Ka Felix, ay “boca” nga ang gamit nila.

Tungkol naman sa mga “referencia”, na gamit ngayon ng INC, nabasa at “ginamit” nga kaya ang mga ito ni Ka Felix? Hindi ba wala namang hawak na mga “aklat-referencia” si G. Manalo noong Noviembre, 1913?

Ayon kasi kay J.V. San Pedro ng INC, ay mga “notebook”, tinasahang lapis at Biblia ang “dala” ni Ka Felix nang magkulong siya sa isang kuwarto, sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi na walang tulog at walang pagkain, noong Noviembre, 1913. Wala, kahit pahiwatig lamang, na kabilang sa mga binasa niya (G. Manalo), ang mga “aklat-referencia”, na madalas gamitin ngayon ng mga ministro ng INC. Alinlangan rin ang inyong lingkod, kung noon pa man, ay “nasaliksik” na ni Ka Felix, ang pagkakaiba ng mga salitang Hebreo na “mizrach” at “kedem” na laging nakapalamuti sa magasin ng INC ngayon. (Pasugo July 2005 p. 18)

Ayon sa Pasugo, si Ka Felix “ang unang nagturo ng lahat ng aral ng Diyos na sinasampalatayanan… sa loob ng Iglesia.” (Pasugo April 2005 p.17) Halimbawa ng aral na si Ka Felix ang unang nagturo – Siya (G. Manalo) ang ibong mangdadagit at “Pilipinas” ang silanganan sa Isaias 46:11. Ngayon, kung ituro ito ng mga ministro ay “boca” at mga “referencia” ang kanilang gamit. Ergo: Natuto at sumunod lang sila sa estilo ng pagtuturo ng kanilang Ka Manalo, na siyang “unang nagturo ng lahat ng aral…” na kanilang pinaniwalaan sa Iglesia.

Kaya nga, kung gumagamit ngayon ang INC ng mga “referencia”, kasi ay “aral na aral” sila kay Ka Felix. Natuto, sumunod at tumulad lang ang mga ministro ngayon, kay G. Manalo noon. Kung gamit ngayon ng INC ang “Greek New Testament” (Pasugo June 2006 p. 15), ay si Ka Felix ang “unang gumamit” nito at sumunod lang si Ka Erdy, Turne, Joe at iba pang mga ministro nila. Pati ang aral na “mizrach”, “kedem” , “near east/far east”, “ends of the earth” na mga itinuturo nila ngayon, pati na ang paggamit ng “Moffatt/Lamsa Version” ng Biblia, ay dapat lang at tungkulin ng INC na patunayan – na mga itinuro na noon at mga ginamit na ni Ka Felix.

Umayon man ang mga ibang taong mapaniwalain, na tatlong araw at tatlong gabi na walang pagkain at walang tulog si G. Manalo sa “pagsasaliksik”, at may hawak siyang mga “referencia”, pati na “Moffatt/Lamsa Bible”, ay SINSAY at mali pa rin ang doktrina ng INC, na si G. Felix Manalo ang ibong mangdadagit at “Pilipinas”, ang tinutukoy sa Isaias 46:11. Bakit? Una, hindi kailangan ang mga “referencia” sa “interpretasyon” ng talagang kahulugan ng Isaias 46:11. Matagal nang nakasulat sa Biblia rin, ang kahulugan ng tinutukoy ng propeta Isaias. Ikalawa, inalis ng INC ang nasa salita ng Dios na si NABUCODONOSOR at BABILONIA at ipinalit at idinagdag naman si MANALO at PILIPINAS. Hindi ba ayon din sa INC, ang ganitong gawa (bawas-dagdag), ay HINDI sa ikaliligtas bagkus ay sa ikapapahamak? (Pasugo February 2005 pp. 28-29) 


“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: …” Genesis 1:26

Ayon sa mga ministro ng INC, 1914, ay “may kausap” raw ang Dios sa talata. Mga anghel (querubin), daw ang kausap ng Dios. Bagaman sa panukala ng paglikha sa tao ay “kausap” sila (querubin), sa “tiempo” raw ng paglalang ng Dios sa tao, ay HINDI na daw kasama ang mga anghel o querubin. (Source: INC’s Ang Tamang Daan TV Program)

Ayon naman sa ANG DATING DAAN (ADD), ni G. Eli Soriano, “may kausap” rin ang Dios sa talata, (Gen. 1:26). Si Cristo o Anak raw ang kausap – at sa paglalang sa tao ay “co-creator” si Cristo o Anak, ng Dios na Manlalalang. (Source: ADD’s TV Program)

Ang aral ng INC tungkol sa Genesis 1:26, ay matutulatol (traceable), sa kinikilala nito na sugo ng Dios, si Ka Felix. Sabi sa Pasugo, “…siya (Felix), ang unang nagturo ng lahat ng aral ng Diyos na sinasampalatayanan at tinutupad natin ngayon sa loob ng Iglesia.” (Pasugo April 2005 p. 17) Kaya nga, ang aral ng mga ministro na “may kausap” ang Dios na mga anghel (querubin), sa “panukala lamang”, ‘pagkat HINDI naman sila kasama sa paglalang sa tao, ay mula sa pagtuturo ni Ka Felix.

May ibinigay bang katibayan (evidencia) si Ka Felix at mga ministro ng INC (pati ADD at G. Eli Soriano) na may kausap ang Dios? Wala po, maliban sa “maling akala” na may kausap raw ang Dios sa talata. Bakit pa kailangan ng evidencia upang patibayan na ang Dios ay may kausap sa Gen. 1:26? Sa aklat ni Prof. Africa ay may ganitong nakasulat:

Justice and common sense demand that one who asserts something must prove his assertion. In other words, he should present arguments and evidences to establish what he alleges, otherwise he loses his case. The theory of the burden of proof is an application of the Latin maxim: Ei incumbit probatio, qui dicit, non qui negat. (It is the duty of the one who alleges to prove what he says, not of the one who denies it).” The Art of Argumentation and Debate, Africa, p.20

Sapagkat ayon sa nakasulat, atas po iyan ng katarungan (justice) at sentido kumon (common sense). “One who asserts something must prove his assertion.” Kaya kung sabi nila na “may kausap” ang Dios, dapat lang na patunayan muna sa pamamagitan ng mga “argumento” at “evidencia”. Isa pa, kailangan talaga na maghain ng evidencia ‘pagkat katunayan ito na ginagamit ng mangangaral ang kaniyang sentido kumon (common sense), sabi ni Prof. Africa. Tangi pa diyan, ay tungkulin (duty) iyan nang nagsasabi ng kaniyang paninindigan – “It is the duty of the one who alleges to prove what he says, not of the one who denies it.”

Sabi naman ng guro at apostol na si Pablo na nag-aral ng abogacia: “Prove all things; hold fast that which is good.” (I Thessalonians 5:21 KJV) Ayon din kay Apostol Pablo – evidencia (proof) muna, upang mapanghawakan kung alin ang mabuti. Hindi maaari ang estilo ng INC at ADD, na “conclusion” agad, kahit wala muna silang inialok na evidencia, na “may kausap” nga ang Dios sa Genesis 1:26. Sa kanila (INC at ADD), nakaatang ang “burden of proof” tungkol diyan, gaya ng sabi sa “Latin maxim, supra.” At ganiyan din ang kailangan ayon sa Biblia, sabi sa sulat ni Apostol Pablo.

Para sa inyong lingkod, (Atty. RV), ay WALANG KAUSAP ang Dios sa Genesis 1:26(a), na muli ay ating sipiin:

“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis:…”

Sa pagsalungat ng may akda sa aral ng INC, 1914 ay hindi niya tungkulin (duty) na maglahad ng evidencia, supra. Sa kabila nito, ay narito ang kaniyang interpretasyon na may mga lakip na katibayan o evidencia mula sa Biblia:

Mali na akalain ng nakabasa sa talata, na ang “pagsasalita ng Dios”, ay katulad lamang ng karaniwang pagsasalita ng tao. Ang Dios ay iba sa tao, hindi Siya tao, kaya’t ibang-iba at napakalayo ng isip ng Dios sa tao, (Oseas 11:9; Isaias 55:8-9). Sa iba’t ibang panahon ay iba’t iba rin ang mga estilo o paraan ng Panginoon sa Kaniyang mga pagsasalita. (Hebreo 1:1) Sa Gen. 1:26, ano ang paraan ng pagsasalitang ginamit ng Dios na “hindi talos” ng INC at ADD? Pagsasalita na sa wari ay may hayag (Roma 4:17b), na kausap Siya, ngunit wala naman. Iba rin ang estilo ng pagsasalita ng Dios sa Genesis 3:9 na wari ay hindi Niya alam kung nasaan si Adan. Iba pa rin ang “moda” ng pagsasalita ng Dios sa Genesis 8:21 – “…at nagsabi ang Panginoon sa sarili,…”. Kung alam ng mga mangangaral ang “mga paraan ng Dios”, na iba sa tao, ay hindi sila marahil magkakamali sa interpretasyon ng Genesis 1:26.

Isa pang mahalagang “punto” sa aklat ng Genesis at sa apat (4) pang mga aklat, (Exodus, Leviticus, Numbers and Deuteronomy) na kung tawagin ay “The Pentateuch” (literally, the “five scrolls”) comprises the five books of Moses known as the “Law” – ang sumulat ng mga ito ay si MOISES, na may “mataas ng pinag-aralan” (Acts 7:22). Sa kabila ng kaniyang pinag-aralan sa sanglibutan, ay pinili ng Dios si Moises upang maging unang sugo ng Panginoon, at nanatili siyang tapat sa Dios (Exodus 3:10-11; Numbers 12:7). (N.B. Si Pablo na tinawag ng Panginoon na maging sugo at apostol ay may pinag-aralan – abogacia (law- Acts 22:3, 15, 21). Sa kabila nito, ay hindi sinungaling si Apostol Pablo (Galacia 1:20). Dahil sa nag-aral ang “may akda” ng Genesis etc., ano ang dapat asahan kung ipaliwanag ang mga ito ng mga hindi nag-aral? Mali at baligtad ang kanilang interpretasyon!

Ang paliwanag ni Atty. RV na ayon sa Biblia:

Ang Genesis 1:26(a), ay tumutukoy sa TUNTUNIN (precept) ng Dios (Awit 119:128), tungkol sa pag “procreate” ng tao (procreation). Kung susuriin ang unang kabanata (Chapter 1) ng aklat ng Genesis, ay hindi lamang ito tungkol sa “paglalang” (creation) ng Dios, kundi tungkol din naman sa “procreation” (tao) at “propagation” (halaman at hayop – Genesis 1:11-12, 20-25). Pagkasabi at pagkatatag ng Dios ng TUNTUNIN (precept) tungkol sa procreation, ay lumalang ang Dios ng mga INSTRUMENTO sa “procreation” – lalake at babae (Genesis 1:27; 2:7, 21-22; Marcos 10:6). Ang lalake, si Adan, ay nilalang mula sa alabok ng lupa, at si Eva, ang babae, ay nilikha mula sa isa sa mga tadyang na kinuha ng Panginoon sa lalake. Pagkatapos nito, ay binasbasan sila ng Dios upang magpalaanakin, (Genesis 1:28), upang patuloy na lumikha ang Manlalalang ng mga tao sa pamamagitan ng “procreation”. (Genesis 4:1-2 Job 31:15 Isaias 66:9) “Childbearing” ang gamit na salita ni Apostol Pablo tungkol dito. (I Timothy 2: 13, 15).

Ang mga panghalip (pronombre) na “NATIN” at “ATING” sa Genesis 1:26(a), ay patungkol sa LALAKE at BABAE na mga INSTRUMENTO ng Panginoon sa “procreation”. Hindi man kausap ng Dios si ADAN at EVA sa Genesis 1:26(a) ‘pagkat DI pa sila nalalalang noon, ay SILA naman ang mga UNANG pinatungkulan, nakaranas (experienced), at nakasunod sa TUNTUNIN o sa mga salitang “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis…”. Si Adan at Eva ay nilalang sa LARAWAN ng Dios (Genesis 1:27), kaya ang Dios (Manlalang), mga INSTRUMENTO (lalake at babae), at bunga ng “procreation” (anak ng tao), ay pawang magkakalarawan at magkakawangis. (Genesis 1:26, 27, 28; Santiago 3:9)

Bukod kay Adan at Eva, ang “mag-asawa sa hinaharap” (future spouses) ay sakop at saklaw rin ng TUNTUNIN at pasiya ng Dios tungkol sa “procreation”. (Gen 1:26a)

Sa “mag-asawa sa haharapin”, nakaukol ang nakasulat sa Genesis 2:24 na ganito: “Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” Tiyak po na HINDI si Adan at Eva ang pinag-ukulan ng talata (verse 24), sapagkat “may ama at ina” ang lalaki na (mag-aasawa), makikipisan sa kaniyang asawa ayon sa sulat ni propeta Moises. Si Adan, gaya ng alam ng marami ay nilikha ng Dios mula sa alabok, kaya WALA siyang ama at ina sa laman na iiwanan niya sa kaniyang pag-aasawa kay Eva.

Hindi naman nagkamali si Moises sa kaniyang pagsulat sa Genesis 2:24, ‘pagkat kinilala mismo ng Panginoong Jesus na itong talata (Gen. 2:24), ay “nakasulat” nga “buhat sa pasimula” gaya ng Kaniyang sinabi sa Mateo 19:4-5.

Paghambingin ang Genesis 2:24 at Genesis 1:26 – tila may ama at ina na iyong lalaking makikipisan pa lamang sa asawa – kahit wala pa ang “future spouses” at “future parents-in-law”. Ganiyan din sa Gen. 1:26 – tila may kausap na ang Dios – bagaman at WALA, ‘pagkat HINDI pa nalilikha noon ang Lalake at Babae (Adan at Eva).

“To procreate children based on the universal principle that procreation of children through sexual cooperation is the basic end of marriage.” (G.R. No. 119190 January 16, 1997, 2nd Div., Supreme Court, Philippines) 


“Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;” Isaias 43:5-6.

“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” Isaias 41:9-10


Ang mga talatang 5 at 6 sa Kapitulo 43 ng Isaias, ay gamit ng INC na batayan sa pagtuturo na babangon sa Pilipinas na nasa Malayong Silangan (Far East) ang INC noong Julio 27, 1914. Pasugo July 2005 pp. 17-19.

Ang Isaias 41:9-10, ay batayan ng INC sa pagtuturo na si Felix Manalo (na naman) ang sugo ng Dios sa mga huling araw na pinalakas, tinulungan, inalalayan at hindi itinakwil ng Panginoon. Pasugo July 2005 pp. 20, 37-39.

Mali at sinsay ang mga pagtuturong ganito ng INC. Kahit pa gumamit ang INC ng salitang Hebreong “mizrach” na “Far East” daw at susugan ng paggamit ng “Moffatt Translation” ng Biblia para mabasa ang “Far East”, ay HINDI pa rin tama na tungkol sa pagsipot ng INC sa Pilipinas ang Isaias 43:5-6. Maling-mali rin ang turo ng INC na ang “mga wakas ng lupa” o “ends of the earth” sa Isaiah 43:6 ay tumutukoy sa PANAHON (time). Pasugo July 2005 p. 18. Petsang Julio 27, 1914 daw ang “panahon” na “mga wakas ng lupa” (ends of the earth) ayon pa sa paguturo ng INC. Pasugo August 2005 pp. 14-15.

Hindi INC, kundi lahi ni Jacob o ni Israel (Genesis 35:10), ang lahi na “dadalhin” ng Dios sa Isaias 43:5-6. Hindi pagsipot ng INC sa Pilipinas noong 1914 sa pamamagitan ni Felix Manalo ang tinutukoy sa talatang 5 at 6. Ang mga panghalip (pronombre) na aking at iyong sa talatang 5 ay tumutukoy sa PANGINOON at kay JACOB. Isaias 43:1. Kaya nga “lahi ni Jacob” ang tinukoy na “dadalhin” ng Panginoon mula sa silanganan, kalunuran, hilagaan at timugan (SKHT). Ang “SKHT” ay hindi lamang “direccion” ang kahulugan kundi DAKO o mga lugar. Deuteronomio 3:27. Mga lugar o DAKO sa SKHT na doon nangalat o napunta ang lahi ni Jacob – na mga lalake at mga babae. Jeremias 29:14. Ang salitang “malayo” sa talatang 6, ay HINDI “malayong silangan” na gaya ng aral ng INC, kundi ito ay LUPAIN ng kanilang (lahi ni Jacob), pagkabihag, (Jeremias 30:10). Ang mga wakas ng lupa (ends of the earth – verse 6), ay DAKO o mga LUGAR na may mga nangalat o nakarating na lahi ni Jacob sa laman. HINDI po “panahon” (time), ang mga wakas ng lupa gaya ng doktrina ng INC, 1914. Ano ang katunayan mula sa Biblia, na DAKO nga at HINDI panahon ang tinutukoy ng propeta? Sa Deuteronomio 28:64 ay ganito ang nakasulat sa Biblia na salin sa Tagalog at “English”:

At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa;…

And the Lord shall scatter thee among all people, from the one end of the earth even unto the other;…” Deuteronomy 28:64 KJV

Malinaw, DAKO na pinangalatan ng lahi ni Israel sa laman, ang tinukoy ng propeta. Tama lang na “ends of the earth” ang nasa Isaiah 43:6, dahil “one end of the earth” plus “the other” i.e. end of the earth, (Deut. 28:64, KJV), equals “ENDS of the earth” (plural). Sa ibang salita – isang dulo ng lupa + kabilang dulo ng lupa, = “mga” wakas o dulo ng lupa, (Deut. 28:64, Tagalog). Mga lugar o dako talaga at HINDI panahon ang sinalita ng propeta.

Bakit nangalat o pinapangalat ng Dios ang lahi ni Jacob o Israel sa mga wakas ng lupa? Sapagkat hindi dininig ang tinig ng Panginoon at hindi ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Dios. Deuteronomio 28:62-63,64,1,15. Sa kabila nito, ay HINDI rin lubos na malilipol sa balat ng lupa ang lahi ni Israel, kundi may MALALABI dahil sa tipan ng Dios sa mga magulang ni Jacob o Israel. Deut. 4:27-31. Ang pangako pa ng Dios ay titipunin ka sa “lahat na mga bayang pinagkalatan sa iyo…” kung magbalik-loob ang mga anak ni Israel sa Panginoon at DADALHIN sa lupain na inari ng kaniyang mga magulang. Deut. 30:2-3,5. Mula sa lupain ng Israel (I Samuel 13:19), na (mula) dito ay pinangalat ang kaniyang lahi, ay dito rin sa ISRAEL, ibabalik ang mga lalake at babae na binhi ni Jacob o lahi sa laman ni Israel. Genesis 17:1,7-8; Awit 105:9-11; Jeremias 23:3,8; 29:14; 30:3).

Kailan nagsimula ang pagdadala at pagpipisan ng Dios sa lahi ni Israel na mga lalake’t babae mula sa silanganan, kalunuran, hilagaan at timugan, sa malayo at sa mga wakas ng lupa na siyang kahulugan ng nasa Isaias 43:1,5-6, (in relation to Deuteronomy 28:64; 30:2-3,5)? May ganitong nasusulat sa 1973 Collier’s Encyclopedia, vol. 13, pp. 326-327, 324)

“The first wave of large scale immigration (aliyah) brought some 25,000 Jews to Palestine in the years 1882-1902. These immigrants, Russian, Polish and Romanian Jews, came in two main streams of the nation-building movement, known as Bilu (abbreviated from the Hebrew words meaning “House of Jacob, let us go!”) and as Hovevei Zion (“Lovers of Zion”), that preceded Zionism, which was a political movement. Of the two streams, the first consisted of pioneers who, preferring Palestine to other countries as an asylum for persecuted Jews, laid the foundations of Jewish colonization in Palestine;…”

“A renewed influx of immigrants, the so called second aliyah, brought in the country about 40,000 people between 1904 and 1914. These were young, energetic men and women from Eastern Europe who infused fresh blood into the small community of the first Jewish settlers. The newcomers became the original halutzim (pioneers), establishing the first collective settlements and laying the foundations for the Hashomer (organization for self-defense).”

“During World War I, before the conquest of Jerusalem from the Turks, the British government gave new impetus to the Zionist movement by its issuance of the Balfour Declaration of 1917 indicating British support for a Jewish national home in Palestine. The war’s end was followed by a third wave of immigration, bringing 34,000 Jews from 1919 to 1923. The fourth aliyah followed with nearly 82,000 from 1924 to 1931 (62,000 of whom arrived in 1924-1926). The main sources of these two waves were Jewish communities in Russia (until the stoppage of emigration), Poland, Romania and the Baltic countries…”

“In the period 1932 to 1939 the fifth aliyah brought approximately 214,000 persons into Palestine, most of whom were Jews fleeing from the growing menace of Hitlerism in the central and eastern European countries. Between 1932 and 1936, Palestine took in 63 percent of the total Jewish emigration from Europe. The fifth wave contributed capital funds and technical skills toward a more rapid development of the country…”

“In the period 1940 to 1947, more than 61,000 immigrants legally entered Palestine. In addition, an estimated 60,000 entered illegally (without landing permits issued prior to their arrival by the mandatory government)…”

“The origin of most immigrants entering the country between 1919 and 1947 was approximately as follows: Poland, 41 percent; Germany, 12 percent; Romania, 8 percent; the Soviet Union, 8 percent; Latvia and Lithuania, 4 percent; Yemen, 4 percent; Czechoslovakia, 4 percent; Austria, 3 percent; and the Americas, 2 percent…”

“With the proclamation of the state of Israel, the government removed all restrictions on Jewish immigration, and between May 15, 1948 and the end of 1967 net Jewish immigration totaled 1.1 million, after deducting 150,000 officially declared reemigrants. Whereas more than 80 percent of all immigrants until 1947 had come from Europe, there was change from 1948 to 1966, as the following figures show: Asia and Africa, about 55 percent; and Europe and the Americas, 45 percent. Large groups came from North Africa, Romania, and Hungary, while Jewish emigration virtually ended from such European countries as Austria, Bulgaria, Czechoslovakia, Germany, Poland, and Yugoslavia, and from Yemen and Iraq. Since 1967 half the immigrants have come from western Europe and the Americas.”

“…The State of Israel was proclaimed in the city of Tel Aviv on May 14, 1948, upon the termination of the British mandate for Palestine. The proclamation was followed by a full-scale war between Israel and the neighboring Arab states, ending in victory for Israel and the signing of separate armistice agreements during the period from February to July 1949. The capital and the seat of the government is Jerusalem; the diplomatic corps is, however, concentrated in Tel Aviv. Israel’s population in 1970 was estimated at 2,889,000.”
(1973 Collier’s Encyclopedia, vol. 13, pp. 326-327,324)

Nagsimula ang “first aliyah” o pagdadala at pagpipisan ng lahi ni Israel ng mga taong 1882-1902. May 25,000 na mga Judio ang dinala at nakabalik sa Palestina. Ang Palestina ay tinatawag ding Canaan (promised land), Genesis 17:1,7-8, lupain ng mga Hebreo, Genesis 40:15, lupain ng Israel, I Samuel 13:19, banal na lupain (Holy Land), Zacarias 2:12 at lupain ng mga Judio, Gawa 10:39. Sa pagitan ng 1904-1914 (2nd aliyah) ay 40,000 na mga “young and energetic men and women” ang nadagdag sa comunidad ng “first Jewish settlers”. Pagkatapos ng “3rd aliyah” (1919-1923) “4th aliyah” (1924-1931) at “5th aliyah” (1932-1939) at hanggang 1940-1947, ay mahigit kalahating milyon na mga Judio ang nakabalik na sa lupain ng Israel, mula sa iba’t ibang mga bansa na kanilang pinangalatan. Deut. 30:2-3,5.

Bunga nito ay ang muling pagbangon at pagkakatatag ng bansa o estado ng Israel (State of Israel). Mayo 14, 1948 nang opisyal na iproklama ang pagkakaroon ng “State of Israel”. Sumunod na araw, May 15, 1948 ay ang isang “full-scale war” sa pagitan ng Israel at mga katabing “Arab states” (Egypt, Lebanon, Jordan, & Syria). Layon ng mga kaaway na lipulin (annihilate) ang lahi ni Israel. Ang bunga ng nasabing digmaan ay ang pananagumpay ng Israel at mga karagdagang lupain na higit sa una nang itinakda ng “United Nations”. “By the end of the war, Israel possessed an area much greater than that originally allocated to it by the United Nations.” 1973 Collier’s Encyclopedia vol. 13, pp. 324, 344-345.

Anu-anong mga talata sa Biblia ang nasasang-ayon sa pagbabalik sa Palestina ng mga Judio at sa muling pagbangon at pagkakatatag ng “State of Israel” sa Palestina? (N.B. Ang Isaias 43:1,5-6 ay tumukoy lamang sa pagdadala at pagpisan sa lahi ng mga Judio mula sa iba’t ibang mga bansa/mga lupain sa silanganan, kalunuran, hilagaan at sa timugan, Awit 107:1-6) Hinggil naman sa pagbabalik sa Canaan o Palestina, ay naaayon ito sa mga sumusunod: Jeremias 23:8; 30:3; Genesis 17:1,7-8. Malinaw sa mga nabanggit na talata na “mula sa lahat ng lupain” na pinagtabuyan sa angkan ni Israel, ay tatahan sila sa “sariling lupain”. Ito ang lupain ng Canaan (Palestina) na noon pang panahon ni Abraham ay ipinangako ng Dios na Makapangyarihan sa lahat (Almighty God), na “pag-aaring walang hanggan” ng kaniyang binhi. Ito rin ang lupain na sinabi at ipinangako ng iisang Dios kay Jacob at sa kaniyang lahi na “pinakaari magpakailan man.” Genesis 48:3-4. Iisa lamang ang Dios ni Abraham at ni Jacob (Gawa 7:32) at siya (Jacob) ay apo ni Abraham kay Isaac. Genesis 25:19-26.

Tungkol naman sa muling pagbangon ng bansa o estado ng Israel (State of Israel), naaayon ito sa mga sumusunod na sulat ng mga propeta: Isaias 41:8,9-10; Jeremias 30:10; Awit 107:7,1-6; 59:13; 78:71; II Hari 17:34.

“But thou, Israel, art my servant, Jacob whom I have chosen, the seed of Abraham, my friend. Thou whom I have taken from the ends of the earth, and called thee from the chief men thereof, and said unto thee, Thou art my servant; I have chosen thee, and not cast thee away. Fear thou not; For I am with thee; be not dismayed; for I am thy God: I will strengthen thee; yea I will help thee; yea, I will uphold thee with the right hand of my righteousness.” ISAIAH 41:8,9-10 KJV.

Kung INC ang tatanungin, ang mga talata (verses), na sinipi sa itaas, ay tumutukoy daw kay FELIX MANALO, na sinugo raw ng Dios sa mga huling araw. (Walang problema sa INC, kahit mula sa Tipas, Taguig, Pilipinas si Ka Felix sapagkat “ang mga wakas ng lupa”, sa talata, ay PANAHON (time) daw ang kahulugan). Muli ay “boca” ang batayan ng INC sa pagtuturo na si Ka Felix ang tinukoy ng propeta. Ganito ang nakasulat sa Pasugo July 2005 p. 20 “…that Brother Manalo is indeed the God-sent MESSENGER WE BELEVE him to be. (Emphasis supplied) For, in the prophecies concerning the messenger in these last days, God promised: “I took you from the ends of the earth, from its farthest corners I called you. I said, You are my servant, I have chosen you and have not rejected you…Isa. 41:9-10,NIV.””

Ano ang “boca” lang ng INC tungkol sa Isa. 41:9-10 NIV? Si “Brother Manalo” raw “is indeed the God-sent MESSENGER WE BELIEVE HIM to be…” Maling pananampalataya ng INC! Bakit naman mali! Dinaan nga kasi sa “boca” kaya HUWAG “AMEN” agad!

Bukod diyan, ay maliwanag naman ang mga nakasulat sa mga talata. Si Israel o Jacob ang lingkod na pinili, hinawakan (taken) at tinawag sa mga wakas ng lupa (v.8,9), HINDI si Ka Felix! Kaya nga, ang dapat at tamang gawin, ay hanapin sa Biblia, kung mayroon ba talagang “Jacob sa mga wakas ng lupa” at kung sino o ano ang kahulugan nito ayon din sa mga Kasulatan. Gaya ng “malayong lupain” sa Biblia, (Isaias 46:11), sa Biblia rin nanggaling ang paliwanag ng may akda. Hindi niya (Atty. RV) nilikot ang “malayong lupain” ng Biblia, para maging “malayong silangan”, kundi kinuha rin sa mga Kasulatan ang kahulugan, (Isaias 39:3; II Hari 20:14).

Sa Mga Awit 59:13 ay malinaw ang patotoo na mayroon talagang “Jacob”sa mga wakas ng lupa at Dios ang nagpupuno sa kaniya. Ganito ang nasusulat sa talata:

“…At ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob, Hanggang sa mga wakas ng lupa”.

“…And let them know that God ruleth in Jacob unto the ends of the earth.” Psalm 59:13.

Sino ang Jacob na ito sa mga wakas ng lupa? Hindi ito ang Jacob na anak sa laman ni Isaac, na napasa Egipto, nakipamayan doon at doon na rin namatay. Genesis 46:26-27; 49:1-2; 33. Bago mamatay si Jacob sa Egipto, ay ibinilin niya sa kaniyang mga anak na ilibing siya sa lupain ng Canaan kung saan ay doon rin nakalibing ang kaniyang mga magulang. Genesis 49:28-33; 50:1-14.

Ang tinutukoy ng propeta na Jacob sa mga wakas ng lupa (Awit 59:13, Isai. 41:8-9) ay “Jacob na kaniyang bayan” (Awit 78:71) o bayan ng Dios – ‘pagkat Dios ang lumikha ng Jacob na bayan o Jacob na bansa, (Genesis 25:21-26). Ang Jacob na bansa o bayan ay “nagpasimula” sa loob ng Egipto (Exodo 1:1-12), hanggang sa ilabas ni Moises mula sa pagkaalipin dito (Egipto – Exo. 3:1,7-10), dinala ang bayan sa pamamagitan ni Josue sa lupain ng Canaan (Josue 1:1-6 ), pinangasiwaan ng mga Hukom, Propeta at mga Hari, hanggang sa mangalat sa “mga wakas ng lupa” (Deut. 28:63-64, English, supra), dahil sa HINDI pagsunod sa lahat ng iniutos ng Dios. (Hindi kasama sa nangalat ang “bansa” ni Esau, na kapatid at kakambal ni Jacob) Genesis 25:21-26.

Malinaw na, sa bumabasa, ang ibig sabihin ng “mga wakas ng lupa”. Dako o mga lugar na pinangalatan ng mga angkan ni Jacob o Israel. Ang mga talata tungkol dito ay isa-isang inilahad ng may akda sa kaniyang pagpapaliwanag ng mga wakas ng lupa sa Isaias 43:5-6 (ends of the earth, Isaiah 43:5-6). HINDI panahon (time) ang kahulugan nito gaya ng “boca” ng INC, na pilit “isinakay” sa talata ng Biblia.

Bagama’t isang bayan o isang bansa lang ang Jacob (Awit 78:71), ang nangalat sa iba’t ibang dako sa mga wakas ng lupa ay ang “binhi” ni Jacob (Jeremias 30:10). Labingdalawa ang binhi/anak/angkan ni Jacob o Israel. (Gawa 7:8, Genesis 49:28,1-2) Sila ang lahi ni Jacob o Israel na mga lalake’t babae na dadalhin o pipisanin ng Dios mula sa silanganan, kalunuran, hilagaan at timugan sa malayo at sa mga wakas ng lupa (Isaias 43:5-6,1). Sila rin ang bubuo sa mga mamamayan (inhabitants) sa bayang tahanan (city of habitation i.e. homeland) sa muling pagbangon o pagkatatag ng malayang bansa ng Israel (modern Israel – Collier’s) Awit 107:7,1-6; Isaias 41:8, 9-10. Muling bumangon o natatag ang State of Israel noong May 14, 1948, nang iproklama ng “Jewish National Council” ang pagkakatatag ng “State of Israel”, pati gobierno nito. Tungkol naman sa sinabi ng Dios na “palalakasin, tutulungan, aalalayan” Niya ang Israel, agad na nahayag ang mga ito, sa tagumpay ng Israel sa digmaan na sinimulan ng “Arab armies”, (Egypt, Lebanon, Jordan, Syria), noong May 15, 1948, isang araw lamang pagkatapos ng “proclamation” at muling pagkatatag ng Bansa ng Israel. Hindi nanaig ang layon ng mga kaaway na lipulin (annihilate) ang Israel. Sa halip, ay naragdagan pa ng mga lupain na sakop ang Israel kaysa sa itinakda ng “United Nations”. supra.

Muling nakita at nasaksihan ng buong mundo ang katuparan ng mga pangako ng Dios sa Israel, sa tinatawag na “Six-Day War” (1967) kung saan nangyari ang ganap na pananagumpay na muli ng (modern) Israel:

“…Israeli planes destroyed Egypt’s air force within a few hours, and Israeli mobile units quickly advanced across the Sinai peninsula. On the same day, hostilities broke out with Jordan, and a few days later with Syria. By June 10, Israel had decisively won what became known as the Six-Day War. Israel occupied territory more than three times as large as Israel. The occupied territories included the Sinai peninsula, the Gaza Strip, all of Jordan west of the Jordan River and the Golan Heights region of Syria.” 1973 Collier’s Encyclopedia, vol. 13 p. 347.

Ano pa ang mga salita ng Dios na natupad sa Kaniyang pagpapalakas, pagtulong at pag-alalay sa Israel sa panahon na ito ay dinidigma ng mga kaaway na pinapagtagumpayan niya (Israel) laban sa kanila? “Sapagka’t aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.” (Isaias 37:35) Noon pa at hanggang sa kasalukuyan, ay ipinagsasanggalang, pinapalakas at tinutulungan ng Dios ang bayang Israel. Sabi ni David noon, sa hamon ni Goliath at mga Filisteo, “…ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.” I Samuel 17:47 (21, 23, 32, 37); II Cronica 20:14-27. Ang mga tagumpay ng Israel noong 1948 at 1967 laban sa mga malalaking bansa sa palibot niya ay HINDI nakakagulat ‘pagkat dati pa at hanggang ngayon nga ay ipinakikipagbaka ng Dios ang kaniyang bayan! Ang Isaias 41:8,9-10 ay mga katibayan pa rin ng pagsasanggalang ng Dios sa “Jacob” na bayan na kinuha at tinawag mula sa mga wakas ng lupa. Awit 78:71; 59:13.

Mayroon pa bang mga pangako ang Dios sa kaniyang bayang Israel na sinalita sa pamamagitan ng propeta? Sa Amos 9:14-15 ay nasusulat:

“At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila’y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon.”

“At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.”


Natupad, natutupad at matutupad ang mga pangako ng Dios sa bayang Israel gaya ng nasusulat! Walang pag-aalinlangan na dahil sa pangako ng Dios ay nakabalik na ang mga Judio sa kanilang sariling lupain (lupain ng Israel – I Samuel 13:19) na ipinangako noon pang una sa kanilang mga magulang. Mula sa pakikipamayan sa iba’t-ibang lupain ng daigdig (foreign lands) ay nasa sariling lupain na (homeland) ang mga Israelita – isang malayang bansa na kung tawagin ay “State of Israel”.

Mahirap pasubalian na sa kabila ng “HOLOCAUST” na sinapit ng maraming mga Judio samantalang nasa pangangalat ay HINDI rin sila lubos na nalipol at marami nga ang mga nakabalik (Jer. 5:18 Deut.30:1-3) upang muling bumangon ang “State of Israel”. Ano ang “HOLOCAUST” na naranasan ng maraming lalake’t babae sa lahi ni Jacob or Israel?

“The Holocaust (from the Greek (holokauston): holos, “completely” and kaustos, “burnt”), also known as HaShoah (Hebrew), Churben (Yiddish) is the term generally used to describe the genocide of approximately six million European Jews during World War II, as part of a program of deliberate extermination planned and executed by the National Socialist German Workers’ Party (Nazi) regime in Germany led by Adolf Hitler.”

“Most scholars, however, define the Holocaust as a genocide of European Jewry alone, or what the Nazis called the “Final Solution of the Jewish Question.”

“…specialized units called Einsatzgruppen murdered Jews and political opponents in mass shootings. Jews and Roma were crammed into ghettos before being transported hundred of miles by freight train to extermination camps, where if they survived the journey, the majority of them were killed in gas chambers.”

“The camp commandant,…testified at the Nuremberg Trials that up to 3 million people had died at Auschwitz. The Auschwitz-Birkenav State museum has revised this figure to 1.1 million, about 90 percent of whom were Jews from almost every country in Europe. Most victims were killed in Auschwitz II’s gas chambers using Zyklon B; other deaths were caused by systematic starvation, forced labor, lack of disease control, individual executions and purported “medical experiments”.

On several occasions Hitler reminded the public about his prophecy concerning the destruction of the Jews, and on April 2, 1945, he boasted that he had “exterminated the Jews of Germany and central Europe.” (Source: WIKIPEDIA, The Free Encyclopedia)

“As the Nazi regime spread over Europe, concentration camps and labor camps sprang up in all Nazi-occupied countries.”

“Mass extermination of prisoners, other than by starvation and overwork, was carried out in specially built gas chambers and by inoculation, or on some occasions, by the use of machine guns.”

“It was Hitler himself who made the decision to kill approximately six million Jews during the war years.”

“The execution of his (Hitler) will was entrusted to the SS. To the existing concentration camps were added special extermination camps. Victims were secretly apprehended and gassed in special establishments.”
(Source: 1973 Collier’s Encyclopedia)

Tunay na noon at ngayon, ang layon ng mga kaaway ay ang lubos na pagkalipol ng mga Judio, ngunit HINDI nangyari ‘pagkat ayon sa salita ng Dios ay HINDI lubos na kawakasan ang para sa mga Judio. Bukod dito ay malinaw naman ang talata na tungkol sa “HOLOCAUST” – HINDI sinalita sa talata na GANAP o lubos na malilipol ang mga lahi ni Israel. Ganito ang nasusulat:

“They shall be burnt with hunger, and devoured with burning heat, and with bitter destruction: I will also send the teeth of beasts upon them, with the poison of serpents of the dust.” Deuteronomy 32:24.

Pansinin na ang kahulugan ng HOLOCAUST ay “halaw” lang sa sinalita ng propeta Moises. Nangyari ito (Holocaust) ayon sa pagkasulat sa (Biblia) talata: maraming Judio ang pinaslang sa gutom, sa maningas na init (devoured with burning heat), poison (gas chamber) at iba pang mga paraan ng pagpatay. Halos isang milyon na mga Judio ang pinaslang o pinatay sa AUSCHWITZ CONCENTRATION CAMP. May ulat (Philippine Daily Inquirer, Sec. B2-4, August 22, 2009) na ang mga labi (dead bodies) ng mga pinaslang ay sinusunog hanggang sa maging abo i.e. “Holos kaustos” o “completely burnt”. May “special establishments” para dito ang mga Nazi. Ipinagmalaki nga ni Hitler na “he had exterminated the Jews of Germany and central Europe.”

Sa kabila ng mga ito, ay HINDI rin lubos na nalipol (at naging abo) ang mga Judio, sapagkat wala pang sampung (10) taon, na makaraan ang Holocaust, ay may halos kalahating milyon (500,000) na mga Judio ang nakabalik sa Palestina at muling natatag at muling bumangon ang “modern State of Israel” noong May 14, 1948.

Natutupad na rin sa Israel ngayon, ang sinabi sa aklat ng propeta na mag-uubasan, maghahalaman at magsisikain ng mga bunga ng kanilang pagpapagal ang mga Judio. Panahon pa ng “first aliyah” ay alam na nila na pagdating sa Israel ay isa ito sa kanilang magiging “vocacion” o gawain. May ganitong ulat tungkol sa “modern” Israel:

“The return of Jews to their homeland, in particular as interpreted by those in the first waves of immigration, was synonymous with their return to the land as farmers. Furthermore, the extension of rural settlements to the desert and to the frontiers is considered important to national security.” 1973 Collier’s Encyclopedia vol. 13 p. 333.

Pati disyerto na bahagi ng territorio ng “modern” Israel, ay may mga tanim. “Kibbutz” ang tawag sa “communal farm or settlement in Israel.” Pati sa mga hangganan (frontiers) ay may mga “rural settlements” (communal farms) sa Israel sapagkat mahalaga ito sa “national security” ng Estado ng Israel. “A special section of the regular army, Nahal, spends one year of agricultural training combined with military exercises, in pioneer projects on the frontiers.” p. 331

Tiyak na matutupad rin ang pangako ng Dios na HINDI na mabubunot pa sa lupaing bigay Niya (Dios) ang Israel. Bagama’t napapalibutan ng mga malalaking bansa na ang hangarin ay malipol (exterminate) ang mga Judio (Collier’s Encyclopedia vol. 13 p. 344), HINDI ito mangyayari! Mula noong May 15, 1948, na “isang araw” pa lang umiiral ang “State of Israel” at hanggang ngayon, ay marami nang sinuong at nalampasan na “war of extermination against the Jews” ang Israel. Sa kabila nito ay nananatili pa rin ang Israel. Hindi ito natatakot sa mga kaaway na higit ang bilang ng kanilang mga hukbo. Bakit? Dahil nga sa mga pangako ng Dios sa kaniyang bayang Israel. Ganito rin ang pahayag at paniniwala ni Golda Meir, dating Prime Minister (1969) ng “modern” Israel: “This country exists as the fulfillment of a promise made by God Himself.”

Ngayon, kung babalikan ang mga talata at paliwanag sa mga ito ng INC, to wit: Isaias 46:11; 41:9-10, si Felix Manalo raw ay sinugo (messenger) ng Dios sa mga huling araw; pinalakas, tinulungan, inalalayan ng Dios; bunga nito ay parada ng tagumpay ni Ka Felix at ng INC; Isaias 43:5-6; Mateo 24:6-7, 33, tungkol daw sa pagsipot sa Pilipinas ng INC noong 1914 – at ihahambing sa mga paliwanag ng may akda, ay hayag na hayag ang mga maling interpretasyon ng INC sa mga talata ng Biblia.

Makikita rin na pinilit lang “isakay” ng INC sa mga talata ang kaniyang mga maling haka o “imaginations”, (IICorinthians 10:5). Lagi na lang kasi na “Felix Manalo” ang interpretasyon, kahit hindi naman si Ka Felix ang tinutukoy ng talata. Kaya tuloy, ay panay na panay ang bawas-dagdag ng INC sa mga nakasulat na talata, para palitawin ang kaniyang haka at mga katha na HINDI naman mainam ang pagkakagawa! Bilang pagdidiin, ay tiniyak na ng Kasulatan na walang bahagi sa punong kahoy ng buhay at sa bayang banal ang mga taong gumagawa ng ganito (Apoc. 22:18-19)

Hindi kaya bunga lang ng inggit sa “parada ng tagumpay” ng INC, kaya sinabi ng may akda, na HINDI maliligtas ang INC, 1914, sa araw ng paghuhukom? Hindi po. Sapagkat kung susuriin, ang mga tagumpay ng INC ay “inferior”, kung ihahambing sa mga tagumpay ng “MORMONS” a.k.a. “Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints”.

Ang “Mormon Church” ay itinatag ni “prophet” Joseph Smith noong April 6, 1830 sa Fayette, N.Y. U.S.A. Ito lamang ang “tunay” na Iglesia (the only true church), ayon sa turo ni Smith. Pagkaraan lang ng labing-pitong (17) taon, mula sa pagkatatag, ang Mormons ay “nakalikha” na, ng isang ciudad (Salt Lake City), at noong 1849 ay nakalikha naman ng “Mormon State” o State of Deseret, na ito ang “State of Utah” ngayon sa United States of America, (…the Mormons created the State of Deseret). Halos dalawampung (20) taon lamang ay ganap nang natatag ng Mormons ang “State of Utah.”

Ang INC naman, mula 1914 na pagkatatag sa Pilipinas – lumipas na ang apatnapung (40) taon, ay WALA pa kahit isang “baryo” o “barangay”. Ilang taon pa ang lumipas (after 40 years) bago natatag ang Barrio Maligaya (Felix?) sa Nueva Ecija. At makaraan naman ang halos pitumpung (70) taon, saka lamang nagkaroon ng “Barangay NEW ERA” (Eraño?) sa Quezon City. Kahit ngayon, mahigit nang siyamnapung (90) taon ang INC, ay “wala” ito kahit isang bayan o ciudad, samantalang ang Mormons may “STATE” na, sa loob lamang ng dalawampung (20) taon.

Dito pa lang ay hayag na hayag ang kahigitan ng tagumpay na tinamo ng Mormons kaysa sa tagumpay ng INC!

Tungkol naman sa TEMPLO (Temple) ang Mormons ay mayroong apat (4) na templo, kumpara sa isa (1) ng INC na bumilang pa ng maraming taon bago magkaroon ng INC Templo Central. May anim (6) na TABERNAKULO (Tabernacle) ang Mormons, may “Tabernacle Organ and Choir”, ang INC naman ay isa (1) lang ang Tabernakulo, at mayroon na ring “Tabernacle Choir”. Tiyak po na HINDI Mormons ang gumaya sa “Tabernacle” at “Tabernacle Choir” ng INC ‘pagkat nauna dito ang Mormons! Mga tatlumpung taon lang mula 1830, ay may “Tabernacle” na ang Mormons, kumpara sa INC, mahigit animnapung (60) taon, mula 1914, ay saka lang nagka “Tabernacle”. Maging ang “Mormon Temple” sa Temple Square, Salt Lake City ay sa maikling panahon lang naitayo ng mga Mormons, kumpara sa Templo Central ng INC sa barangay New Era, Quezon City.

Ang Mormons ay may dalawang (2) unibersidad, ang University of Utah (1850) at Brigham Young University (1875). Ang INC ay may isa (1), ang New Era University sa Bgy. New Era, Quezon City. May dalawang (2) malaking “Library” ang Mormons, ang “Latter Day Saints Church Historian’s Library” (Utah’s foremost private library) at “Church Genealogical Society Library”, bukod pa dito ang ibang mga “libraries” ng Mormons. Makakaagapay kaya sa mga ito ang “INC Central Library?” Museo (museum) ba? Marami rin niyan ang Mormons.

Sa buong mundo, ay may mga “missionary centers” ang Mormons, milyon-milyon ang mga kaanib (members), libu-libo (more than 5,000) ang “full-time missionaries” at maraming mga concreto at magagandang mga kapilya, sa iba’t ibang panig ng daigdig, kasama na sa Pilipinas. Ang “temple-building” ay isa sa mga tatak ng Mormons. Kasama rito ang disenyong mga tulis (tulisan) ng mga templo at kapilya ng mga Mormons. Bakit? Mormons lang ba ang mga “tulisan”? Hindi po. Tulisan din ang mga bahay-sambahan at mga kapilya ng INC! Lalo na ang INC Templo Central, ang daming tulis! Nagkataon lang kaya na may Templo Central ang INC, may Central Office Building, Tabernakulo, Unibersidad, Museo, Library, mga kapilyang tulisan, at iba pa, na mga una nang nagawa at nakita sa mga Mormons? Isang bagay ang tiyak na tiyak – HINDI Mormons ang tumulad at gumaya sa INC, ‘pagkat UNA ang Mormons sa INC sa lahat ng bagay, kasama na rito ang pag-ugit (control) sa boto ng mga miembro, (Smith’s control of the Mormon vote). Kaya nga nagplano (rin) si Smith na kumandidato bilang Pangulo ng “United States”, dahil solido (solid) ang boto ng mga Mormons pabor sa kaniya. Sa Pilipinas, bago pa ang parang iisang tao ng INC sa pagboto kung halalan, nauna na ang Mormons sa ganitong gawi at estilo. At kung ang INC ay may “anghel” (Ka Felix), na “instrumento” sa pagsipot ng INC sa Pilipinas, mas una rin dito ang Mormons na may anghel (Angel Moroni) na pumatnubay kay Smith tungo sa pagkakaroon ng “Mormon Church”. (N.B. Source Re: Mormons, Joseph Smith, 1973 Collier’s Encyclopedia)

Bagaman at parehong HINDI TUNAY na mga Iglesia ang Mormon Church at INC, ay kitang-kita naman ang mga “EVIDENCIA” ng malaking kahigitan sa mga tagumpay ng una sa huli. Lalo pa kung isasaalang-alang na si “prophet” Smith ay labing-apat (14) na taon lang nangasiwa sa Mormons. Binaril kasi siya at ang kapatid niya na si Hyrum, ng “anti-Mormon mob” noong June 27, 1844 – na labing-apat (14) na taon lamang mula nang matatag ang Mormons noong 1830 sa New York.

Sa isang dako naman, si Ka Felix ay halos limampung (50) taon na nangasiwa sa INC, mula 1914-1963. Namatay kasi siya (Ka Felix) noong April 12, 1963. (Pasugo July 2005 p.37) Kaya nga, tama lang na sabihin na higit at ibayong mga pagtatagumpay sana ang inani ng Mormons – kumpara sa INC, kung si Smith ay nakapangasiwa ng limampung (50) taon, gaya ni Ka Felix.

Dahil dito ay MALI ang turo na ang mga tagumpay ng INC e.g. may Central Temple, Central Office Building, Tabernacle, Tabernacle Choir (Taberna ‘kopya” sa Mormons), New Era University, houses of worship etc., ay mga katunayan na si Felix Manalo ay tinawag at sinugo ng Dios, na pinalakas, tinulungan, inalalayan at ang INC (daw) ay tunay na Iglesiang sa Dios at kay Cristo. Kapag ganiyan ang sukatan, ay MAS ang pagkasugo ni Joseph Smith at MAS tunay na Iglesia ang Mormons! Mas nakahihigit din ang “MORMON STATE” sa dalawang “baryo” o “barangay” ng INC, ang Barrio Maligaya (Felix?) at Barangay New Era (Eraño?). Pakipansin sa unahan ang bilis ng Mormons sa pagtatatag ng “Mormon State” at ang “tagal o bagal” ng INC bago ito nakadalawang “baryo” o “barangay”.

N.B.

Hindi man marahil nilayon, ni Mr. Mike Velarde ng El Shaddai, (‘pagkat kaibigan raw niya si Mr. Erdy Manalo ng INC), ay nahigitan nito ang sinasabing “the biggest house of worship of the INC, the Central Temple…can seat 7,000 worshippers.” (Philippine Daily Inquirer, September 2, 2009 p. 15) Bakit? Sapagkat noong Agosto 20, 2009 na ika-25 taong aniversario pa lang ng El Shaddai, ay nakapagpatayo na ito ng “El Shaddai House of Prayer”, na ayon sa ulat ay “the biggest place of worship and prayers in Asia…the church with a seating capacity of 15,000.” (Philippine Daily Inquirer, August 20, 2009 Front Page).

Lalo pang tatabang at lalabnaw ang “mga tagumpay ng INC sa tulong ng kaniyang Dios” kung iisipin na ang Templo Central na wala pa sa kalahati ng El Shaddai House of Prayer, ay naipatayo lang ng INC makalipas ang halos 75 na taon mula nang sumipot ang INC sa Pilipinas noong 1914. 


3. Ikapapahamak ng INC, 1914 ang pagsisinsay nito sa mga sulat ni "beloved brother Paul". II Pedro 3:15-16



(itutuloy ang pagtalakay…attyrv)

Comments to attyrv@gmail.com